HIGIT 400K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM MULA SA ISANG HIGH VALUE TARGET SA URDANETA CITY

Arestado ang isang lalaki na itinuturing bilang high-value individual (HVI) sa Urdaneta City matapos ang ikinasang buy-bust operation ng awtoridad noong Miyerkules, Pebrero 11.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete na may tinatayang laman na 10 gramo ng hinihinalang shabu at isa pang plastic na may humigit-kumulang 55 gramo na may kabuuang halaga na P442,000.

Narekober din sa suspek ang iba pang ebidensya, na sumailalim sa inventory at dokumentasyon ng awtoridad.

Inihahanda na ng pulisya ang mga kasong isasampa laban sa suspek, habang sasailalim naman sa laboratory examination ang mga nakumpiskang kontrabando.

Kaugnay nito, patuloy na pinapalakas ang koordinasyon ng mga awtoridad para sa mas pinaigting na operasyon sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments