HIGIT 400K NA INDIBIDWAL SA PROBINSYA NG PANGASINAN, NAKATANGGAP NA NG NAT’L IDS

Umabot na sa 2, 306, 399 ang bilang ng mga nakapagparehistro sa step 2 ng Philippine Identification System o PhilSys o nakatakdang tumanggap ng kanilang PhilSys ID sa buong probinsya ng Pangasinan.
Nasa 468, 763 na katao ang nakatanggap na ng Physical ID sa probinsya.
Ayon kay Provincial Focal Person Christopher Flores, ilan sa mga dahilan ng pagkaantala ng PhilSys ID ay hindi naaabutan sa address na nilagay, at ang iba naman ay sa kadahilanang patay na ang nagmamay-ari ng card.

Siniguro naman ng PSA R1 na binabalik sa tanggapan ng PSA Pangasinan ang mga National IDs na hindi na-didispose at patuloy ang pagtrackdown sa mga hindi pa nahanap ang address.
Samantala, naghahanda na ang pamunuan ng PSA para sa paglulunsad ng temporary national ID sa mga hindi pa nakakatanggap ng PhilSys ID. | ifmnews
Facebook Comments