Higit 41% ng kabuuang populasyon ng bansa, fully vaccinated na

Umakyat na sa 70.6 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 19 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, 41.31% ng target population sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.


Katumbas ito ng 31.8 million na mga Pilipino.

Nasa 963, 777 naman ang naitalang daily jabs kahapon, November 15.

Sa Metro Manila naman, 92.31% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na o katumbas ng higit 9 million na mga Pilipino.

Habang 100% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna o katumbas ng higit 10M indibidwal.

Facebook Comments