HIGIT 42-M HALAGA NG IBA’T IBANG FARM MACHINERIES, IPINAMAHAGI NG DAR SA MGA ARBO’s SA ILOCOS REGION

Matagumpay na ipinamahagi ang nasa P42.487-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng mga farm machineries sa higit isandaang mga Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) sa rehiyon uno ngayong araw ika-12 ng Hunyo, taong kasalukuyan sa Pangasinan Training Center Development II, bayan ng Lingayen.
Kabuuang P42, 487, 000 ang naipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung saan nasa 411 Farm Machineries Equipment ang ipinamahagi sa 109 organisasyon mula sa apat na probinsya ng Ilocos Region 1.
Tumanggap ng 46 ARBO’s sa lalawigan ng Pangasinan, 26 sa Ilocos Sur, Ilocos Norte na may 19 at 18 naman sa lalawigan ng La Union.

Sa isinagawang pamamahagi ng mga makinaryang ito, sinabi ng kalihim ng DAR na si Sec. Conrado Estrella III na hindi lang ito ang matatanggap ng mga benipisyaryo kundi mas marami pa ang ibibigay ng ahensya at pamahalaan sa mga susunod na panahon.
Ang pamamahagi ay sa ilalim ng Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities (SuRe ARCs) Project, na naglalayong magbigay ng farm mechanization projects para suportahan ang farm-to-market na ani, pataasin ang agricultural productivity, at pataasin ang kita ng agrarian reform beneficiaries sa rehiyon.
Dinaluhan ang nasabing awarding ceremony ng mga makinarya ng mga benepisyaryo mula sa apat na probinsya ng rehiyon maging ang mga kawani ng DAR, mga opisyales at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments