Higit 42,000 returning OFWs, maaaring hindi kayanin ng mga quarantine facilities ayon kay Sec. Galvez

Posibleng hindi kayanin ng isolation facilites ng bansa ang nasa 42,000 Filipino Migrant Workers na inaasahang uuwi sa bansa ngayong buwan at sa Hunyo.

Sa televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., nasa 27,000 OFWs na ang naka-quarantine sa Metro Manila.

Aniya, posibleng ma-‘overwhelm’ ang mga hotels na nagsisilbing quarantine facilities.


Dagdag pa ni Galvez, nasa 30,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-test sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction (PCR) machines.

Mula sa 22,432 results na inilabas, 465 ang nagpositibo.

Sinabi ni Galvez, na ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Department of Transportation (DOTr), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ang Maritime Industry Authority (MARINA) ang immediate release sa mga OFW na nagnegatibo sa COVID-19.

Una nang ipinag-utos ng Malacañang ang pagsasagawa ng inventory ng mga naka-quarantine na OFW.

Facebook Comments