Umabot na sa higit 44,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., mayroong pagtaas sa demand ng COVID-19 vaccines matapos masilayan ang mga doktor at iba pang health workers na nagpabakuna laban sa sakit.
Aabot sa 1,125,600 doses ng COVID-19 ang dumating sa bansa ngayong buwan – 600,000 mula sa Sinovac na donasyon ng China at 525,600 AstraZeneca mula naman sa COVAX Facility.
Dagdag pa ni Galvez, target ng pamahalaan na maabot ang herd immunity bago matapos ang taon kapag nabakunahan laban sa COVID-19 ang nasa 70 milyong Pilipino.
Pero iginiit niya na dapat ‘steady’ ang supply ng bakuna para makamit ang naturang target.
Facebook Comments