HIGIT 45K KABAHAYAN SA ILOCOS REGION, WINASAK NG SUPER TYPHOON UWAN; SHELTER ASSISTANCE, ITINAAS NG P10-P20K

Umabot sa 45,817 kabahayan ang naitalang winasak ng Super Typhoon Uwan sa kalakhang Ilocos Region ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa naturang bilang, 3,254 ang totally damaged habang nasa 42,563 ang partially damaged na karamihan ay naitala sa Pangasinan.

Ayon kay Secretary Jose Ramon Aliling, base sa direktiba ng pangulo, itataas sa P20,000 ang matatanggap ng mga may partially damaged houses mula sa dating P10,000 habang P50,000 naman sa mga totally damaged houses mula sa P30,000 na financial shelter assistance.

As of November 18, wala pa umanong naeendorsong mungkahi para sa shelter assistance ang natatanggap mula sa mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon.

Dadaan din sa proseso ang bawat aplikante na may kalakip na requirements tulad ng litrato ng nawasak na tirahan, kopya ng government-issued ID na may lagda at dadaan pa sa balidasyon ng Housing Department pagkatapos maendorso.

Maaaring magsumite ng application para sa tulong pinansyal sa mga Municipal Social Welfare and Development Offices sa kada bayan. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments