Hindi bababa sa 4,500 kilo o 12,500 piraso ng bangus ang gagamitin o iihawin para sa nalalapit na Bangus Festival 2022 na nakatakdang pormal na magsisimula sa Abril 18 hanggang 30 pagkatapos ng dalawang taong pagpapaliban dahil sa pandemya.
Sa isang press conference, sinabi ni Mayor Marc Brian Lim na magpapatuloy ang festival ngayong taon dahil sa mataas na rate ng pagbabakuna dito at mababang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung zero active cases na ang lungsod.
Naglaan aniya ang pamahalaang lungsod ng 1,000 grills para sa highlight event, “Kalutan ed Dalan” street party at 800 grills na ang nakareserba o naibenta.
Bawat grill na nagkakahalaga ng PHP 3,500 ay may kasamang limang kilo ng Dagupan bangus , uling, at iba pang freebies na gagamitin sa Kalutan ed Dalan sa Abril 30.
Sapat naman umano ang suplay ng bangus kahit pista at hindi ito magiging problema. | ifmnews
Facebook Comments