HIGIT 4K VIOLATORS NG MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS, NAITALA NG PANGASINAN POLICE SA LOOB NG LIMANG BUWAN NGAYONG TAON

Umabot na sa higit 4, 000 ang naitalang bilang ng mga indibidwal na lumabag sa minimum public health standards sa Pangasinan.
Sa datos ng Pangasinan Police Provincial Office, nasa 4, 243 violators na ang nasita ng pulisya mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Ayon kay Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL. Ferdinand De Asis, 1, 956 dito ang lumabag sa hindi pagsusuot ng face mask at 1, 794 sa curfew.
Matatandaang buwan ng Abril nang alisin ang curfew hours sa Pangasinan..
Sinabi ni De Asis , bagamat nasa mababang alert level ang probinsiya mahigpit pa ring ang pagpapatupad ng pulisya sa MPHS upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Ang 57 internal quarantine checkpoint sa probinsya ay kinonvert sa COMELEC at Anti criminality checkpoint sa panahon ng election period. | ifmnews
Facebook Comments