Nasa higit limang milyong botante ang na-deactivate ng Commission on Elections o COMELEC para sa 2025 midterm elections.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco na karamihan sa mga pangalang na deactivate ay mula sa Metro Manila.
Karaniwan daw na dahilan ng deactivation ay ang hindi pagboto ng dalawang beses nang magkasunod na eleksyon.
Possible aniyang kaya hindi nakaboto ay namatay na o kaya ay lumipat na ng ibang lugar kaya hindi nakaboto sa dating lugar na tinitirhan.
Dahil dito, nabawasan ng anim hanggang walong milyon ang mga rehistradong botante para sa election 2025.
Gayunpaman, ayon kay Laudiangco, may pagkakataon pa ang mga botante na makapagpa-reactivate sa COMELEC offices o Register Anywhere Program bago matapos ang deadline ng registration sa Setyembre.