Higit 5 milyong indibidwal, natulungan sa ilalim ng COVID-19 response ng World Vision

Inilunsad ng World Vision ang pinakamalaking humanitarian response.

Ito ay tinatawag na COVID-19 Emergency Response (COVER) sakop ang 70 bansa, kabilang ang Pilipinas.

Sa loob ng tatlong buwan, nasa 24 na probinsya, 19 na siyudad, at 43 munisipalidad sa Pilipinas ang naabutan ng tulong ng World Vision.


Tinatayang nasa limang milyong indibidwal kabilang ang 1.2 million na bata ang natulungan ng organisasyon sa pamamagitan ng tatlong strategic interventions.

Kabilang na rito ang pagpapaigting ng preventive measures para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pamilya at komunidad.

Pagpapalakas ng health systems at mga healthcare workers.

Pagsuporta sa mga batang naapektuhan ng COVID-19 sa pamamagitan ng edukasyon, child protection, food security, at kabuhayan.

Nakatuon ang World Vision sa mga inisyatibo nito sa sektor ng kabuhayan, child protection, health, water, sanitation at hygiene at edukasyon.

Ang RMN Foundation Inc., DZXL 558 RMN Manila – Radyo Trabaho, DYXY 99.1 RMN Tacloban, at DXDR 981 RMN Dipolog ay partner ng World Vision sa inisyatibong ito.

Facebook Comments