Higit 5 milyong manggagawa, apektado ng pandemya – DOLE

Umabot na sa higit 5 million na manggagawa ang apektado ng COVID-19 pandemic.

Base sa 2020 Job Displacement Report ng Department of Labor and Employment (DOLE), 5.1 million na manggagawa ang matinding naapektuhan ng health crisis.

Karamihan sa mga manggagawa ay apektado ng retrenchment, permanent closures, temporary closures at pagpapatupad ng flexible work arrangements.


Aabot sa 428,701 workers ang na-displace sa buong bansa mula sa 26,060 establishments mula January hanggang December 2020.

Ang mga establishment na nagbawas ng workforce ay nasa 23,324 kung saan 386,135 workers ang apektado at mga permanenteng nagsara ay aabot sa 2,736 at apektado rito ang 42,566 na manggagawa.

Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamaraming bilang ng displaced workers na may 210,157 kasunod ang CALABARZON (56,223) at Central Visayas (42,485).

Maraming nawalan ng trabaho sa administrative at support sector.

Facebook Comments