Manila, Philippines – Inireklamo sa Office of the Ombudsman ng Department of The Interior and Local Government (DILG) ang 51 alkalde dahil sa pagpapabaya sa Anti-Drug Abuse Councils (ADAC).
Ayon kay DILG Assistant Secretary Ricojudge Echiverri, kasong administrative charges of misconduct and dereliction of duty ang inihain nila laban sa nasabing mga alkalde.
Aniya, siyam sa mga respondents ay dawit rin sa illegal drug trade.
Giit ni Echiverri, paulit-ulit nilang pinaaalalahanan na i-activate ng mga LGU, palakasin at tiyakin ang functionality ng ADAC sa kanilang mga munisipalidad.
Batay sa listahan ng DILG, 42 na lugar sa bansa ang may non-compliant na ADAC habang nasa walong lugar naman ang low performing o kulang ang aksyon.
Maaari namang masuspendi o maalis sa pwesto ang mga alkaldeng mapapatunayang guilty sa kaso.