Friday, February 6, 2026

Higit 50 bagong opisyal ng pamahalaan, nanumpa sa Malacañang; Aljo Bendijo, itinalagang director ng LTFRB

Nanumpa sa Malacañang ang 58 bagong talagang opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Executive Secretary Ralph Recto.

Kasama sa mga nanumpa si Radyoman Aljo Bendijo, na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. bilang Director II ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Recto, ang pagiging opisyal ng gobyerno ay serbisyo at pananagutan, hindi pribilehiyo.

Ang bawat kilos ng mga opisyal ay may epekto sa tiwala ng taumbayan at sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Executive Secretary, ang katapatan ng mga opisyal ay dapat para sa bansa at sa mamamayang Pilipino.

Hinikayat niya ang mga bagong talagang opisyal na magtrabaho nang maayos, unahin ang resulta kaysa palabas, at tiyaking may pakinabang ang kanilang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments