Aabot na sa 50 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagsimula ng kanilang immunization program para sa mga mamamayan nito laban sa COVID-19.
Ang China kung saan nagsimula ang pandemya ay unang bansang nagsagawa ng pagpapabakuna, na hindi hinihintay ang pormal na pag-ootorisa sa bakuna.
Aabot na sa limang milyong Chinese ang nabakunahan habang binigyan ng ‘conditional’ market approval to a Sinopharm vaccine.
Ikinasa naman ng Russia ang kanilang vaccinations gamit ang Sputnik V vaccine.
Sumunod ang Belarus at Argentina habang ang Algeria ay nakatakdang gawin ang pagpapabakuna sa Enero.
Inotorisa ng Britain ang bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech kung saan aabot na sa 950,000 katao ang nabakunahan na.
Nauna rin ang Britain sa pag-apruba sa bakuna ng AstraZeneca at Oxford University na gagamitin sa Enero 4.
Sinimulan ng Canada at Estados Unidos ang kanilang immunization campaign noong December 14.
Sumunod dito ang mga bansang Switzerland, Serbia at karamihan ng mga bansa sa European Union.
Gagamitin din ng Pfizer-BioNTech vaccine ang Norway at Iceland.
Ang Estados Unidos at Canada ang mga unang bansang nag-otorisa sa bakuna ng US pharma company na Moderna.
Naglunsad na rin ng immunization campaign ang United Arab Emirates gamit ang Sinopharm ng China.
Nagsagawa na rin ng pagpapabakuna laban sa COVID-19 ang Saudi Arabia at Bahrain, sumunod ang Qatar, Kuwait at Oman.
Ang Israel ay target na nakapagbakuna ng halos 800,000 katao, 60,000 sa Bahrain at higit 3,000 sa Oman.
Nakatanggap na ng Sinovac vaccine ang Turkey na nakatakdang gawin ang immunization sa kalagitnaan ng Enero.
Nagsagawa na rin ng vaccination drive ang Mexico, Chile at Costa Rica gamit ang Pfizer vaccine.
Humabol na rin ang Singapore sa pagsasagawa ng immunization campaign.
Ang India, Japan at Taiwan ay planong gawin ang pagpapabakuna sa first quaranter ng 2021, ang Pilipinas at Pakistan sa second quarter habang ang Afghanistan at Thailand planong simulan ang pagpapabakuna sa kalagitnaan ng 2021.