Higit 50 Former Rebels, Tumanggap ng Financial Assistance at Pagkain sa DSWD Region 2

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng tulong pinansyal at in-kind ang higit limampung (50) dating miyembro ng New People’s Army (NPA) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2.

Ayon kay DSWD Regional Director Joel Cezario Espejo, nais ng pamahalaan na panatilihing maging maayos ang buhay ng mga dating miyembro sa kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Nagpaabot naman ng mensahe si Mayor Edgar Go ng LGU San Mariano sa mga nabenipisyuhan na indibidwal.


Ayon sa alkalde, ang tulong pinansyal na natanggap ng mga ito ay tanda ng nagkakaisa at bukal na hangarin ng pamahalaan na matulungan sa kanilang pagbabagong buhay.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si alyas Rowena, dating logistics officer ng CPP-NPA-NDF sa kanyang pera na natanggap dahil malaki umanong tulong ito na pambili ng gatas at gamot ng kanyang apat na buwang gulang na anak.

Muli namang ipinunto ng kasundaluhan na bukas ang kanilang hanay upang bigyang katuparan ang pangako ng gobyerno na tulong para sa pagbabagong buhay ng mga nais magbalik loob sa pamahalaan.

Facebook Comments