Higit 50 indibidwal, nailigtas ng PCG sa tumaob na motorbanca sa Northern Samar

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang pampasaherong bangka ang tumaob sa karagatan ng San Antonio, Northern Samar.

Sugatan ang apat sa mga pasahero nito at ngayon ay nasa ospital na dahil matapos mahirapan sa paghinga.

Mabilis namang nasagip ng PCG ang 41 na mga pasahero at 9 na crew ng MVCA Spirit motorbanca.


Sa inisyal na ulat Coast Guard, umalis ang MVCA Spirit sa bayan ng Victoria patungong San Vicente ng nasabing probinsya, sakay ang mga nabanggit na pasahero.

Nakaranas umano ng malalaking alon ang bangka dahil sa Habagat habang naglalayag, na naging sanhi para nawalan ng balanse at tuluyang tumaob ang bangka.

Nagka taon naman na may ilang mangingisda na malapit sa pinangyarihan ng insidente at agad tumawag ng rescuers.

Sa pagtutulungan ng mga Rescuers mula sa MDRRMO ng San Antonio, Philippine Coast Guard, at mga mangingisda ay nasagip ang mga pasahero at crew.

Facebook Comments