Higit 50-M doses ng COVID-19 vaccines, naiturok na

Umakyat na sa 53.8 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 17 million ay naiturok sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, 32.25% ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus o katumbas ito ng 24.8 million na mga Pilipino.


Sa Metro Manila naman, 81.40% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na rin laban sa virus o katumbas ng 7.9 million na mga Pilipino.

Habang 93.34% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Ayon sa kalihim, kahapon ay nasa 523, 179 daily jabs ang naitala o bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa, sa loob lamang ng isang araw.

Facebook Comments