Aabot sa 54 na pamilya ang sapilitan inilikas ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa may bahagi ng Smokey Mountain sa Tondo.
Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang force evacuation matapos ang mangyari ang tatlong beses na pagguho ng lupa makaraan ang ilang araw na pag-uulan.
Agad na kumilos ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Department of Social Welfare (MDSW) at MPD para ilikas ang mga nabanggit na residente.
Pansamantala silang nananatili sa covered court ng Brgy. 128, Zone-10 kung saan patuloy silang nakakatanggap ng tulong mula sa Manila LGU tulad ng pagkain, inumin at iba pang pangangailangan.
Bantay-sarado ng mga tauhan ng barangay at MPD ang lugar kung saan naganap ang pagguho ng lupa upang masigurong hindi muna babalik ang mga residente.










