World – Umabot na sa 57 ang namatay sa pagtama ng magnitude 7.1 sa Central Mexico.
Sa report ng local authorities, 42 ang agad namatay sa Morelos state, 13 sa Puebla state at dalawa sa Mexico state.
Aabot naman sa 3.8 million residente ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Agad ipinatawag ni Mexican President Enrique Pena Nieto ang National Emergency Committee para i-assess ang sitwasyon.
Pinayuhan din ni Puebla Governor Tony Gai ang mga residente na sundin ang civil protection security protocols.
Nabatid na isang linggo pa lang ang nakalilipas ng yanigin din ang southern coast ng Mexico ng magnitude 8.1 na lindol kung saan 61 ang namatay.
Facebook Comments