Higit 50 milyong Pilipino, walang access sa maayos na palikuran ayon sa DOH

COURTESY UNICEF Connect

Higit 50 milyong Pilipino ang nananatiling walang access sa maayos na palikuran o banyo, kung saan ang ganitong kondisyon ay posibleng mauwi sa panibagong epidemya.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 50.3 million na Pilipino o 10 milyong pamilya ang walang access sa maayos na sanitation services.

Mula sa nasabing bilang 24 na milyon ang mayroon limitado o hindi maayos na banyo.


Ang maayos na toilet facilities ay ang pagkakaroon ng sariling banyo na hindi ginagamit ng ibang tao.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, ang problema sa sanitation ay nireresolba na sa pamamagitan ng pag-invest sa mga iba’t ibang teknolohiya at paraan.

Hinimok ng DOH ang mga Local Government Units (LGUs) at iba pang stakeholders na tiyaking naabot ang sanitation coverage sa lahat ng komunidad.

Babala ni Duque posibleng magkaroon ng outbreak ng waterborne, vector-borne at foodborne diseases tulad ng influenza, leptospirosis at dengue.

Ang Pilipinas ay nangangailangan ng ₱30 billion kada taon para maabot ang national target sa universal access sa sanitation.

Facebook Comments