Higit 50 sasakyan, nasampolan ng I-ACT sa kanilang operasyon sa lungsod ng Maynila

Muling nagsagawa ng operasyon ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa paligid ng Manila City Hall.

Kanilang tinutukan ang mga lumalabag sa health protocols, traffic violations, mga motorcycle rider na gumagamit ng sub-standard na helmet at mga kolorum na pampublikong sasakyan.

Sa kasagsagan ng operasyon, may ilang motorcycle rider na may mga angkas ang nagtangkang takbuhan ang mga tauhan ng I-ACT kung saan ang iba sa kanila ay nagpapakilalang tanod ng barangay.


Ilang pampublikong jeep na rin ang nahuli dahil sa palabag sa mga health protocols lalo na ng mga pasahero nito habang ang iba sa kanila ay nakipagtalo pa.

Ang mga kolorum na van naman na gumagamit ng mga magnetic stickers ng UV Express ay hindi rin nakalusot sa mga tauhan ng I-ACT.

Nasa limang sasakyan ang na-impound habang 50 pampasaherong jeep ang natikitan.

Ang mga lumabag ay papatawan ay P2,000 sa first offense; P3,000 sa second offense at P5,000 sa third offense kasabay ng pag-revoke ng lisensya.

Facebook Comments