Higit 50 severe patient sa mga district at field hospital sa lungsod ng Maynila, hindi pa nababakunahan

Umaabot sa 58 na mga pasyente na naka-confine sa mga district at field hospital sa lungsod ng Maynila ang nakararanas ng severe o matinding sintomas ng COVID-19.

Ito ay pawang mga hindi pa nababakunahan base sa datos ng Manila Health Department.

Base pa sa nasabing datos, may 15 pasyente rin na nakakaranas ng severe na kaso ay nakaka-isang dose pa lamang habang 14 ang nakakumpleto na ng bakuna.


Pinakamarami rin sa mga moderate ang sintomas ay nasa hanay ng mga hindi bakunado kung saan umaabot ito sa 82 habang 43 moderate cases ay pawang mga bakunado at may 27 rin ang nakakaisang dose.

Nasa 601 ang mga naka-confine sa anim na district at field hospital sa lungsod ng Maynila matapos tamaan ng COVID-19.

79 ang nakaka-isang dose pa lang ng bakuna habang tig-261 sa mga may COVID-19 ang mga bakunado at hindi pa bakunado.

Sa mga bakunado, pinakamarami ang may mild symptoms na nasa 204 habang 37 ang nakaka-isang dose at 121 na indibidwal ang hindi pa nababakunahan.

Facebook Comments