Napatay ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang week-long operations ang kabuuang 53 mga myembro ng teroristang grupo kung saan nakumpiska rin ng mga sundalo ang 66 na high powered firearms, mga bala, pampasabog at iba pa.
Nitong March 1, apat na New Peoples Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ng 33rd Division Reconnaissance Company at 94IB sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Sa kapareho ring araw naaresto ng Joint Task Force National Capital Region (NCR) si alyas ‘Magno’ na isang NPA leader kung saan mayruon itong P2.8M na patong sa ulo.
Samantala, nuong March 2 naman napatay ng militar ang 3 NPA sa kanilang combat operations sa Sultan Kudarat.
Maliban dito mayruon ding 17 NPA members ang nagbalik loob sa pamahalaan mula sa Davao de Oro; Sorsogon; North Cotabato; Camarines Sur; at Northern Samar.
Sa panig naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter, nanutralisa ng tropa ang 5 nitong myembro sa Ampatuan, Maguindanao Del Sur.
Habang 22 myembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa Indanan, Sulu.
Kasunod nito nangako ang AFP na magtutuloy-tuloy ang kanilamg operasyon kontra teroristang grupo upang makamit ang kapayapaan sa buong bansa.