Higit 500 barangay sa bansa, walang tatakbong kandidato sa BSKE

Nasa higit 500 barangay sa bansa ang walang tatakbong kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, karamihan sa mga barangay na walang kandidato ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Mayroon din aniyang mga barangay sa BARMM na may mga kandidatong walang kalaban sa halalan.


Pero sabi ni Garcia, kinakailangan pa ring magkaroon ng eleksyon dito, kung saan dapat na magkaroon ng kahit isang boto lang ang walang kalabang kandidato.

Samantala, nasa Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ang hurisdiksyon kung ano ang gagawin sa mga barangay na walang kandidato.

Noong 2018 BSKE, sinabi ng COMELEC na inatasan ng DILG ang local government executives na magtalaga ng mga opisyal sa mga lugar na walang kandidato.

Facebook Comments