HIGIT 500 DAANG INDIBIDWAL NAPAMAHAGIAN NG KABUHAYAN SA IKA-ANIM NA DISTRITO NG PANGASINAN

BALUNGAO, PANGASINAN – Aabot sa kabuuang 528 na benepisyaryo ang napamahagian na ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ng mga pangkabuhayan package sa buong ika-anim na distrito ng Pangasinan.
Ito ay parte ng programang PPG o ang tinatawag na Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa. Ito ay tulong ng ahensya sa mga maliliit na negosyanteng naapektuhan ng kalamidad at pandemya.
Samantala, kabilang sa mga bayang na nabigyan ay ang bayan ng Natividad, San Quintin, San Nicolas, at Tayug. | ifmnews

Facebook Comments