Mula sa kabuuang bilang na 130 medical health workers sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital), nasa 510 sa mga ito ang tinamaan ng COVID-19 at kasalukuyang naka-isolate.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Alfonso Victorino Famaran, Jr., medical director ng Tala Hospital na karamihan naman sa mga ito ay kung hindi asymptomatic ay mild cases lamang.
Sinabi pa ni Dr. Famaran na 99.2% ng kanilang health workers ay fully vaccinated at nabigyan na rin ng booster shot.
Samantala, para hindi maabala ang kanilang operasyon, 229 manpower augmentation ang ipinadala sa Tala Hospital.
Sa nasabing bilang, 214 ay mula sa Department of Health (DOH)-Central Office, 10 mula sa Center for Human Development-National Capital Region at 5 mula sa Philippine National Police General Hospital.