Higit 500 kandidato, walang kalaban sa nalalapit na halalan – Comelec

Higit 500 kandidato ang tumatakbo na walang kalaban sa nalalapit na midterm elections.

Base sa official ballot template na naka-post sa website ng Commission on Elections (Comelec), nasa 547 na kandidato ang unchallenged o walang katunggali sa ninanais na posisyon.

Mula sa nabanggit na bilang, 46 dito ay kumakandidato sa House of Representatives.


May siyam naman na kandidato sa pagka-gobernador at 18 at vice governor.

Nasa 211 na kandidato naman para sa city at municipal mayors at 263 aspirants para sa city at municipal vice mayors.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ang mga walang kalaban sa eleksyon ay hindi nangangahulugang awtomatiko nang mananalo sa halalan.

Aniya, mayroong first-past-the-post system, kung saan kailangan pa ring makakuha ang pinakaraming boto.

Dahil kung walang mabibilang na boto, maging ang mga walang kalabang kandidato ay walang basehan para manalo.

Facebook Comments