Higit 500 Karagdagang Kaso ng COVID-19, Naitala sa Rehiyon Dos

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 579 na panibagong kaso ng COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of August 26, 2021, umakyat sa 6, 708 ang total active cases sa buong rehiyon at kabilang na rito ang naitalang mga bagong kaso.

Nakapagtala rin ang rehiyon ng 496 na bagong gumaling sa COVID-19 at panibagong dalawampu’t lima (25) na namatay sa nasabing sakit.


Umaabot naman sa 62, 383 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa rehiyon habang nasa 1,960 na ang total cases ng COVID-19 related deaths.

Ang buong region 2 ay mayroon ng naitala na 71, 078 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 simula nang mag pandemya.

Facebook Comments