Inihayag ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na umabot na sa mahigit 500 katao ang nasawi kasunod ng sampung araw na heat wave na nararansan sa Spain.
Batay ito sa pagtataya ng Carlos III Health Institute kung saan nilinaw rin ng intitusyon na isa lamang itong statistical estimate at opisyal na datos ng naitatalang patay dahil sa heat wave.
Sa kabila nito, pinag-iingat pa rin Sanchez ang mga mamamayan laban sa matinding init at ipinunto na totoo ang nararanasang climate emergency.
Mababatid na pumalo sa 45 degrees Celsius ang naitala sa ilang bahagi ng Espanya noong nakaraang linggo na nagresulta sa dose-dosenang wildfires
Sa ngayon, libu-libong residente na ang napilitang lumikas dahil dito at kumitil na ng dalawang buhay.
Facebook Comments