Higit 500 Milyong Piso, iniwang pinsala ng Bagyong Tisoy sa sektor ng Agrikultura sa dalawang Rehiyon

Umabot na sa higit 500 Milyong Piso ang pinsala ng Bagyong Tisoy sa sektor ng Agrikultura.

Sa datos ng Dept. of Agriculture, Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, kabuoang 531.61 Million Pesos ang initial damage.

Naitala ang pinsala sa Calabarzon at Bicol Region.


Nasa 18,455 Metric Tons ang lugi sa production, apektado ang 14,637 hectares at 3,808 na magsasaka.

Ang mga naakektuhang pananim ay Palay, Mais, at High Value Crops.

Sa ngayon, mayroong nakareserbang 3,230 bags ng Rice Seed sa DA-Regional Field Office sa Calabarzon, habang mayroong 3,163 bags ng Rice Seeds, 2,632 bags ng Corn Seeds, at 322 kilos ng Vegetable Seeds ang nakareserba sa Field Office sa Bicol Region na handang ipamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Facebook Comments