Inanunsiyo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na makakatanggap ng ayuda ang mga pamilya at negosyong naapektuhan ng pandemya sa probinsya ng Siargao.
Sa pamamagitan ng Aid and Humanitarian Operations Nationwide (AHON) Convergence Program ay tutulungan nitong makabangon ang mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakatanggap na ng 15,000 cash assistance ang 526 na benepisyaryo sa munisipalidad ng San Benito, St. Monica, Borgus at General Luna ng Siargao sa pamamagitan din ng Livelihood Assistance Grant and Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ang LAG at AICS ay recovery at rehabilitation programs ng gobyerno na naghahatid serbisyo lalo na ngayong pandemya.