Higit 500 na pasahero, nananatiling istranded sa ilang pantalan sa Bicol Region ayon sa Philiippine Coast Guard

15

Ilang pasahero ang nanatiling istranded sa mga pantalan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes dahil na din sa Bagyong Ramon.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 553 pasahero ang kanilang naitalang istranded kaninang alas-4:00 ng umaga.


Sinuspindi na din ng coast guard ang operasyon ng 107 rolling cargoes, 8 vessels at 2 motorbancas para na din sa kaligtasan ng mga pasahero.

May iba pang 8 vessel at 5 motorbancas ang pansamantalang nakidaong sa pantalan ng mga nabanggit na probinsiya dahil na din sa masamang panahon.

Sinabi naman ni Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo na tinitiyak ng lahat ng unit ng PCG ang mahigpit na pagpapatupad ng guidelines na itinatakda sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon o may bagyo para sa kaligtasan ng buhay at mga ari-arian.

Facebook Comments

From Advertisers