Higit 500 pamilya, inilikas na sa Pampanga dahil sa Bagyong Ulysses

42

Umabot na sa higit 500 pamilya ang inilikas sa Pampanga dahil sa ulan at hanging dala ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Angelina Blanco ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), karamihan sa mga lumikas ay mula sa coastal areas.


Mayroong 26 na barangay ang nagpatupad na ng preemptive evacuation.

Tiniyak pa ni Blanco na may mga evacuation centers silang nakahanda sakaling hindi sasapat ang mga evacuation center sa mga barangay at munisipalidad.

Maliban dito, nakahanda na ring ipamahagi ang mga relief items tulad ng food packs, de lata at bigas sa mga apektadong residente.

Facebook Comments