Higit 500 pamilya, inilikas sa lungsod ng Maynila dahil sa Habagat

Umaabot sa 526 na pamilya na apektado ng pag-ulan bunsod ng Habagat ang inilikas ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa inilabas na ulat ng Manila Local Government Unit (LGU), nasa 155 pamilya ang inilikas mula sa District 1 partikular mula sa Isla Puting Bato, Brgy. 101 at 128.

Nasa 84 naman sa District 3 na pawang mga residente ng Parola habang 287 pamilya naman sa District 5 na mula sa Brgy. 661 at sa Baseco Compound.


Katumbas ito ng 2,078 na indibidwal kung saan nananatili sila sa Jose Abad Santos High School, sa mga barangay hall na malapit sa kanilang tirahan at sa Baseco evacuation center.

Patuloy naman umaalalay ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga apektadong pamilya habang kasalukuyan din nilang minomonitor ang ilang bahagi ng lungsod na kasalukuyang binabaha.

Facebook Comments