Higit 500 pamilya, nananatili sa evacuation center sa Pasay city

Nasa 512 na pamilya pa ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ang nasabing bilang ng pamilya na katumbas ng 1,303 indibidwal ay inilikas saka dinala sa 14 na evacuation centers dahil pawang mga nakatira sila sa binabahang lugar sa Pasay City.

Karamihan sa mga inilikas ay nasa Apelo Elementary School kung saan nasa 304 na pamilya ang nananatili rito mula Brgy. 165,162,163,164, at 157.

Lahat sila ay binigyan ng makakain, inumin, medikal na atensyon at iba pang pangangailangan para masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Bantay-sarado rin ng Southern Police District ang mga evacuation centers para masigurong walang anumang kaguluhan ang mangyari.

Facebook Comments