Higit 500 working visa ng mga dayuhan, kinansela ng Bureau of Immigration

Aabot sa 528 working visa ng mga dayuhan ang kinansela ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ay kasunod ng ikinasang “massive audit” ng BI sa mga visa application ng anim na kumpanya.

Nadiskubre kasi ng BI na nagsumite ng mga pekeng alien employment permits ang mga sangkot na kumpanya.


Gayunman, tumanggi naman si Immigration Chief Jaime Morente na tukuyin ang mga naturang kumpanya habang ini-imbestigahan pa nila ito.

Mahaharap naman ang mga dayuhan sa paglabag sa Philippine Immigration Act at ilalagay din ito sa immigration blacklist ng bansa

Facebook Comments