Nasa 5,238 bags ng abono ang hindi pa naibibigay sa ilang magsasaka sa Mangatarem matapos hindi pumasa sa isinagawang testing ng Municipal Agriculture Office.
Ilang benepisyaryo rin ang nakatakdang tumanggap sana nito ngunit kinailangan munang ipagpaliban at talakayin katuwang ang Department of Agriculture–Regional Field Office I (DA-RFO I).
Kaugnay nito, tiniyak naman na matatanggap ng mga nakatakdang benepisyaryo ang natitirang abono.
Samantala, sa parehong aktibidad, tinanggap naman ng 546 rehistradong magsasaka na may sakahang dalawang ektarya pataas ang 2,000 bags ng abono.
Ang distribusyon ng inorganic fertilizers sa mga hybrid clustered areas ay alinsunod sa National Rice Program (NRP) ng Department of Agriculture na may layuning matulungang mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka mula sa pagbili ng abono.









