Pinakawalan ang tinatayang 5,750 bangus fingerlings ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng National Capital Region (BFAR-NCR) sa Laguna de Bay sa Taguig City bilang bahagi ng programang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa.”
Layunin umano ng programang ito na buhayin ang ecosystem sa tubig na sakop ng lawa ng Laguna at suportahan ang mga lokal na mangingisda.
Inaasahang rin ang pagpapakawala pa ng 50,000 fingerlings ng iba’t ibang uri ng isda mula sa mga karpa, hito, at iba pa.
Parte rin ng naturang proyekto ang pag-employ sa Cash-for-Work beneficiaries at alisin ang invasive species sa lawa upang maibalik ang ecological balance sa lugar.
Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng Taguig City sa BFAR-NCR dahil sa patuloy na suporta sa mga komunidad ng mangingisda sa Taguig.