HIGIT 5,000 KABAHAYAN SA SUAL, TUMANGGAP NG FOOD PACKS

SUAL, PANGASINAN – Tumanggap ang nasa halos 5,000 kabahayan sa Sual ng grocery o food packs. Ito ay bilang bahagi ng adhikain ng lokal na pamahalaan na makapag abot ng tulong at suporta sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.

Ang mga residente sa Barangay Caoayan ang pinakabagong nabigyan ng ayudang ito kahapon.

Habang tapos nang napamahagiaan ang mga pamilya sa Bolaoen, Pangascasan, Camagsingalan, Calomboyan, Sto. Domingo, Baybay Sur at Victoria.


Target naman ng LGU na mapamahagian ng grocery packs ang nasa 13, 500 households sa bayan kabilang ang mga tahanang may senior citizen, PWD, at mga nawalan ng kabuhayan.

Facebook Comments