Higit 5,000 pasahero, stranded sa mga pantalan sa bansa

Umabot na sa higit 5,000 pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 5,024 passengers ang stranded na mula sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol Region, at Eastern Visayas.

Hindi rin pinayagang makabiyahe ang 1,321 Rolling Cargoes, 42 Vessels at 42 Motorbancas.


Pansamantala ring nakahinto ang 215 vessels at 279 Motorbancas.

Tiniyak ng pcg ang istriktong pagpapatupad ng mga panuntunan sa pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa kasagsagan ng masungit na panahon.

Facebook Comments