HIGIT 5,000 SENIOR CITIZEN SA DAGUPAN CITY, NATANGGAP NA ANG SOCIAL PENSION

34

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Natanggap na ng higit 5, 000 senior citizens sa lungsod ng Dagupan ang kanilang social pension sa isinagawang pay out sa loob ng anim na araw.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 5, 456 na indigent senior citizen ang tumanggap ng kanilang 3, 000 social pension.

Nagkaroon ng schedule kada barangay sa pagclaim ng social pension sa City Plaza upang maipatupad ang health protocols.


Batay sa datos ng city government nasa 15, 000 ang bilang ng senior citizen dito ngunit piniling bigyan ang mga mas nangangailangan ngayong pandemya.###

Facebook Comments