Higit 50,000 Katao, Ligtas na Nailikas makaraang Bayuhin ng Kalamidad

Cauayan City, Isabela-Aabot sa mahigit 52,000 na katao sa Lambak ng Cagayan ang ligtas na malawakang pagbaha makaraang isagawa ang nagpapatuloy na search, rescue and

Batay sa pinakahuling datos ng Police Regional Office No. 2, nasa kabuuang 52,689 na katao na ang inilikas sa iba’t-ibang evacuation centers.

Umabot naman sa mahigit 5,000 pamilya o katumbas ng 14, 182 indibidwal ang ligtas na nailikas na nasa mga evacuation centers.


Tiniyak naman ng PRO2 na mapapanatili ang health protocol laban sa COVID-19 kung kaya’t nagtalaga ng mga tauhan na siyang magbabantay sa mga lugar kung saan nananatili ang mga residente.

Patuloy naman ang ginagawang clearing operation ng mga otoridad sa mga nakahambalang sa daan dahil sa iniwang pinsala ng bagyo upang masigurong mapapabilis ang mga isasagawang relief operations lalo na sa mga isolated barangays.

Facebook Comments