Higit 50,000, nag-apply sa balik probinsya program ayon sa NHA

Umabot sa 53,218 ang nag-apply para sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ng pamahalaan.

Ito ang naitala ng National Housing Authority (NHA) sa loob ng 10 araw mula nang buksan ang pagtanggap ng aplikasyon.

Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr., higit 100 sa mga aplikante ay nakauwi na sa Leyte.


Dagdag pa ni Escalada, nakapag-produce din sila ng 10,000 hard copies ng application forms na ipapamahagi sa mga interesadong residente sa Metro Manila.

Nasa 29,104 applicants ay mag-isang uuwi sa kanilang probinsya habang ang 24,207 ay kasama ang kanilang pamilya.

Sinabi ni Escalada na ang mga aplikanteng pauwi sa probinsya kasama ang kanilang pamilya ay mataas ang tiyansang doon na manirahan.

Tiniyak ng NHA na mayroon silang database sa sinumang hindi magko-commit sa programa o alam nila sakaling may benepisyaryo ang babalik ng Metro Manila.

Aminado ang NHA na kailangan ng batas na isusulong mula sa Kongreso para sa matagumpay na pagpapatupad ng programa.

Facebook Comments