Higit 50,000 OFWs, na-repatriate sa harap ng COVID-19 pandemic

Nakapagpauwi na ang pamahalaan ng nasa 50,105 Overseas Filipino Workers (OFW) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mula Mayo hanggang June 14 ay nasa 41,000 OFWs ang nakauwi na sa kani-kanilang probinsya.

Mula May 15 hanggang 24, nasa 8,922 ang nakauwi na sa kanilang pamilya.


Sinabi ni Lorenzana na patuloy ang repatriation efforts.

Sa huling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), aabot na sa 5,666 COVID-19 cases sa mga Pilipino abroad at karamihan sa mga ito ay mula sa Middle East – Africa.

Aabot naman sa 2,497 ang gumaling at 426 ang namatay.

Facebook Comments