Dinadagsa na muli ng mga pasahero ang mga pantalan sa buong bansa matapos ipagdiwang ang holiday season sa mga probinsya.
Sa huling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 52,839 ang bilang ng mga pasahero.
Pinakamarami ang sa Central Visayas na umabot sa 10,004, sumunod ang South Eastern Mindanao na may 7,956.
Ayon sa PCG, katuwang sila ng National Government sa pagtiyak na maitatala ang Zero Maritime Casualty o Incident.
Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na maging mapagmatiyag sa lahat ng pagkakataon at sumunod sa Safety at Security Measures sa lahat ng Terminal at mga sasakyang pangdagat.
Facebook Comments