Higit 50,000 tao, fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa Pilipinas

Umabot na sa 50,000 indibidwal ang fully-vaccinated laban sa COVID-19 matapos ang higit isang buwan mula nang ilunsad ng gobyerno ang libreng immunization program.

Ayon sa National Task Force against COVID-19, nasa 922,898 vaccine doses ang nagamit mula nitong March 1.

Mula sa nasabing bilang, 50,685 doses ay para second dose o fully-vaccinated, habang ang 872,213 doses ay para sa first dose.


Tiniyak ng NTF na patuloy ang distribution ng vaccine doses, pabibilisin ang vaccination at palalawakin ang coverage para maprotektahan ang mga Pilipino.

Sa ngayon, ang kabuuang vaccine supply ay nasa 2.5 million doses kung saan 77% o 1.9 million doses ay naipamahagi na sa mga ospital sa 17 rehiyon sa bansa.

Ang supply ay binubuo ng CoronaVac ng Sinovac Biotech at British-Swedish AstraZeneca.

Facebook Comments