Higit 500,000 Contractual Workers, regular na sa trabaho

Umbot sa higit kalahating Milyong manggagawang kontraktwal ang nabigyan ng Raegular Employment Status.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nang simulan ng Duterte Administration ang kampanya kontra illegal Contractualization ay aabot na sa 580,539 workers ang na-Regular sa kanilang trabaho.

Resulta rin aniya nito ang pinaigting na Labor Inspections ng ahensya sa mga Commercial Establishment sa buong bansa.


Pero para sa Vice President ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na si Louie Corral, nananatiling mababa ang bilang ng mga manggagawang nare-regular sa nakalipas na tatlong taon.

Giit ni Corral, mayroon pang siyam na Milyong Contractual Workers sa bansa.

Ipinaalala rin ng TUCP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang binitawang pangako nito na ihihinto ang ‘Endo’ o End of Contract at iba pang ilegal na uri ng job Contractualization.

Facebook Comments