Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na matatanggap na ng bansa ang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines sa Lunes March 1, 2021.
Ayon kay Roque, darating ang 1st round ng mga bakuna mula sa Covax facility bandang hapon sa Lunes.
Sinabi din nito na kabahagi lamang ito ng 44 million doses ng mga bakuna na matatanggap ng bansa na mula sa Covax facility na layuning mabakunahan ang nasa 20% ng ating kabuuang populasyon.
Kasunod nito nagpapasalamat ang Palasyo sa World Health Organization (WHO), Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI), Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa paparating na bakuna.
Sa pamamagitan aniya nito ay maaari nang makapamili ang mga medical health workers ng bakuna na ituturok sa kanila.
Inaasahan kasi na bukas ay darating na sa bansa ang 600,000 doses na bakuna na donasyon ng China.