Dumating na sa bansa ang higit 500,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Lumapag sa Mactan-Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City ang shipment ng nasa 511,290 doses ng Pfizer vaccines, alas-6:45 kagabi.
Ang mga bakunang binili ng pamahalaan ay lulan ng DHL Aviation flight LD 457.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nasa 51,480 doses ang ipapamahagi sa Cebu.
Ang natitirang 459,810 doses ay dinala sa Manila lulan pa rin ng nasabing flight at lumapag ito sa NAIA Terminal 3 alas-9:20 ng gabi.
Ang 51,480 doses ng Pfizer ay ipapada pa rin sa pamamagitan ng nasabing flight patungong Davao City ngayong umaga.
Sinabi ni Galvez na direktang ipinadala ng Pfizer ang kanilang bakuna sa tatlong main ‘hubs’ sa Luzon, Visayas, at Mindanao para mapanatili ang efficacy nito.
Bukod sa Pfizer, ang China ay magpapadala ng 2.5 million doses ng Sinovac ngayong araw at bukas
Ang unang shipment na naglalaman ng 1.5 million doses ay darating mamayang alas-7:35 ng umaga sa NAIA Terminal 3, habang ang pangalawang shipment na naglalaman ng isang milyong doses ay ipapadala sa bukas ng umaga.